|
“HOW TO START WATER REFILLING STATION BUSINESS?” / Paano po magsimula kung nais kong magtayo ng negosyo na katulad ng Water refilling station?
Madali lng naman po mag simula sa ganitong negosyo, narito po ang mga “procedures” kung
paano:
1.Maghanap ng supplier o nagbebenta ng mga water refilling equipments, humingi ng listahan at presyo ng ibat ibang klase ng makina na pwede mong
pagpilian, kung maaari humingi na rin ng mga ”writes-up” patungkol sa water station business, kadalasan nagbibigay na din sila ng ‘feasibility study” kung saan doon mo malalaman kung magkano ang magiging gastos o puhunan mo upang makapagtayo ng ganitong
negosyo.
2. Pagkatapos pag-aralan ang mga quotations at kabuuang gastusin at sa palagay mo naman na kakasya ang budget mo o
puhunan, then pwede kanang makipagtawaran sa supplier, humingi ng mga
diskwento, alamin ang mga suporta na maibibigay nila katulad ng “maintenance” at ‘warranty’.
Babala: huwag maakit basta basta sa mga murang makina, baka mura dahil tinipid o pipitsugin ang mga kinabit na
pyesa. Ugaliin mag kumpara at mag usisa kung ano ang nkikita sa larawan ng makina na kanilang
ibibigay.
3. Pagkatapos makapili ng wastong makina na bibilhin, maghanap na muna ng pwesto o magandang lugar na pwedeng pagtayuan ng refilling station mo, yun ibang munisipyo po ay 25sqm ang nire required na kabuuang sukat para sa ganitong
negosyo, pero kadalasan yun 20sqm na sukat ng tindahan ay sapat na.
Kung ayaw naman mag rent pwede narin po yung sarili nyong lugar ang
gamitin, hindi rin po problema o sagabal kung nasa loob man kayo ng subdivision, wag po mag alala at kikita pa rin po kayo.
4. Kung may nakita na po kayong pwesto o lugar para sa inyong tindahan ay pwede na uling kontakin ang napili mong supplier ng makina para sa inyong final na pag
uusap, manghingi po ng typical lay-out ng isang water station sa kanila na pwede nyong gayahin para sa tindahan
nyo. Yun iba po na ‘katulad namin “ kami po ang pupunta sa area nyo para sukatan at i lay-out ang tamang design na pwdeng gawin sa available na sukat na pagtatayuan ng inyong
tindahan.
5. Kadalasan po ang supplier ay manghihingi ng paunang bayad para masimulan ang inyong
makina, ang leadtime po sa pag buo ng makina ay 2 hanggang 3
linggo. Humingi po lamang ng kasulatan o resibo kung kayo ay magbibigay na ng paunang
bayad.
6. Pagkatapos mai closed ang deal sa supplier pwede napo pasimulan ang pagtatayo ng tindahan or refilling station, ang construction po ay tumatagal mula 3 hangang 4 linggo bago
matapos, ipagawa na rin po ang deep well kung yan ang napili nyong water source
(ipa bisita sa supplier yun tindahan habang ito ay ginagawa upang makita kung nasusundan ng karpentero yun lay-out na kanyang
binigay, importante po kasi masunod yun design lalo na sa washing area, mga pipings at drainage lay-out), so habang nagpapagawa pa
lang, pwede napo simulan ang pag a apply ng inyong business permit.
7. Pumunta sa pinakamalapit na DTI sa inyong lugar, magdala ng cedula at
brgy. Clearance. Maghanda din ng lima hanggang sampung lista ng ibat ibang pangalan na inyong napipili na maging pangalan ng inyong negosyo ‘business name’.
8.) Pagkatapos makuha ang registered business name na galing sa DTI, tumuloy napo sa inyong munisipyo at mag apply naman ng Mayor’s or Business permit. Ang proseso po ay tumatagal ng 2 hanggang 3 linggo depende rin po sa area, yun iba po munisipyo ay i require kayo na mag submit ng A.) water analysis of potability ( Physical, chemical and bacteriological test) ng inyong raw or source of water. B.) Engineering drawings (building and electrical plan) signed by a sanitary engineer at mga common legal requirement po kapag nag a apply ng building permit.
9. Pagkatapos makakuha ng business permit at operational permit sa
munisipyo, pumunta naman sa BIR at mag fill-up ng form 0506 at bayaran sa counter. Kapag nakatapos na sa
BIR, pwede napo kyo magpagawa ng mga resibo sa printing press. Dalhin po ang approved form 0506 ng BIR kasi requirements po yan sa ibang printing press.
10. Bilhin na po yun iba pang gamit na inyong kakailanganin katulad ng mga
galon, selyo, heat gun, sanitizer soap at iba pa. Isabay na rin po ang pagpapagawa ng inyong signage at sticker labels para sa inyong mga
produckto.
12. Kung gawa ng ang tindahan at ready na ang water source, ipa schedule napo ang installation ng makina (kung maaari po ay piliin ang oras sa gabi ng sa ganon mapabilis ang paggawa at makaiwas sa mga
usyusero). Ang makina po ay maikakabit mula isa hanggang dalawang araw
lamang.
13. Hayaan po muna na mag “dry run” ang makina mula isa hanggang tatlong araw bago magbenta o kumuha ng sample para sa water analysis ng inyong
produkto. Pumunta sa pinakamalapit na tanggapan ng DOH at alamin kung paano ang proseso sa pagpapa test ng
tubig. (TIP: mas maganda po na after a month na kayo kumuha ng sample upang maging maganda ang resulta inyong water analysis).
14.) Antayin ang resulta ng water testing na inyong pinadala, pag pumasa Goodluck
po! And Welcome to the Club. Pag bumagsak po ay ipatawag nyo po agad ang gumawa ng inyong makina at
(isama nyo sa hilera ni Rizal -he he he Joke lang po) ipa analyze nyo kung bakit…
|